MANILA, Philippines — ‘Walang label.’
Ganito inilarawan ni Vice President Sara Duterte ang relasyon niya ngayon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Sa kanyang pagdalo sa isang book donation at reading activity sa Davao City, kinumpirma rin ni Duterte na hindi na sila nagkikita o nagkakausap ng Pangulo.
“Wala akong label sa relationship namin ngayon. Hindi na kami nagkikita at hindi na kami nagkausap,” anang Bise Presidente.
Sinabi rin ni Duterte na posibleng sampahan siya ng impeachment complaint.
“Lagi namang pinag-uusapan among members of the House of Representatives ang impeachment, at naririnig din naman namin lagi ‘yon base sa mga sinasabi ng mga kaibigan doon sa loob,” anya.
Inaasahan na nila ito dahil sa mainit na pulitika sa bansa.