Livelihood groups sa Cavite, nabuhayan ng pag-asa

MANILA, Philippines — Bumisita kamakailan ang Bukluran Livelihood Organization o samahan ng mga kababaihan sa Silang, Cavite kamakailan kay dating Alkalde Omil Poblete. Hini­kayat ng nasabing grupo na kumbinsihin ang dating­ Alkalde­ na muling tumakbo sa Bayan ng Silang sapagka’t naniniwala ang mga ito na siya ang tunay na panalo sa kanilang puso at isipan.

Ayon sa grupo, napag-usapan nila kung paano pa higit na mapapatatag ang samahan kasama ang malaking bahagi ng komunidad. Hiling ng grupo na muling maka­balik ang dating alkalde sapagka’t dito sila nabubuhayan ng loob. “Tunay ngang walang pinipili si Nanay Omil. Naka­tatanda, kababaihan, kalalakihan o ano mang sektor, kan­yang tutugunan dahil nasa puso nya ang pagtulong sa Bayan ng Silang,” pahayag ni Mel, isa sa nagnanais tumakbo muli si Poblete.

Kamakailan, naging viral sa Social Media ang mga netizens ng Silang dahil sa suporta na bumuhos kay Pob­lete at dumagsa ang paghihikayat ng mga ito na muling tumakbo upang manumbalik at mas mapabuti ang kala­gayan ng Silang, Cavite.

Show comments