Manhunt kay Alice Guo patuloy – PNP

MANILA, Philippines — Patuloy ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap at monitoring sa mga lugar na posibleng puntahan ni suspended Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP public information chief Col. Jean Fajardo, nananati­ling mai­ngat at pursigido ang PNP sa paghahanap kay Guo na may warrant of arrest.

Kailangan lamang nilang iberipika amg bawat impormasyon na kanilang natatanggap.

Lumilitaw aniya sa record ng Bureau of Immig­ration, hindi pa nakakalabas ng bansa si Guo.

Patuloy din ang kanilang koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa pagdakip kay Guo.

“Our officers are dedicated to ensuring that Mayor Alice Guo is brought under the jurisdiction of the Senate,” dagdag pa ni Fajardo.

Ayaw namang magbigay ng timeline ng PNP para sa pagdakip kay Guo.

Show comments