Acting DTI chief, itinalaga ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang acting secretary ng Department of Trade and Industry si DTI Undersecretary Ma. Cristina Aldegue-Roque kapalit ng nagbitiw sa puwesto na si dating secretary Alfredo Pascual.

Si Roque ay nagtapos ng kursong B.S. in Industrial Management Engineering, minor in Chemical Engineering sa De La Salle University.

Malaki ang papel na ginampanan ni Roque sa Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Development Group sa DTI.

Si Roque ang nangangasiwa sa mga critical areas kabilang na ang Bureau of Small and Medium Enterprise Development, Bureau of Marketing Development and Promotions, OTOP Program Management Office, at Comprehensive Agrarian Reform Program Management Office.

Pinangangasiwaan din ni Roque ang operasyon ng Small Business Corporation at Cooperative Development Authority.

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan ng isang magaling na tao na mangangasiwa sa operasyon ng DTI dahil malaki ang papel na ginagampanan ng ahensiya sa paglago ng ekonomiya ng bansa partikular na sa MSMEs.

Show comments