Amyenda sa ‘Doble Plaka Law’ aprub na sa Senado

Motorists continue traversing the EDSA-Kamuning flyover in Quezon City on April 7, 2024 before it partially closes on April 25, 2024 for retrofitting that will last for 11 months.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2555 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act na mas kilala bilang “Doble Plaka” Law.

Kung magiging batas, tatanggalin na ang “doble plaka” requirement kung saan hindi na ipatutupad ang paglalagay ng malaking plaka sa harap ng motorsiklo at sa halip ay gagamitan ito ng Radio Frequency Identification (RFID) para sa pagkakakilanlan ng sasakyan.

Binabaan din ang penalty sa P5,000 hanggang P10,000 para sa mga paglabag.

Bibigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng motorsiklo ng hanggang Hunyo 30, 2025, para i-renew ang rehistrasyon, at ang Land Transportation Office hanggang Disyembre 31, 2025, na mag-isyu ng mga kinakailangang plaka.

“The current law, RA No. 11235, unfairly discriminated against our motorcycle riders, isolating and unfairly profiling them as potential perpetrators of illegal activities,” idiniin ni Sen. Francis “Tol” Tolentino, principal sponsor ng SBN 2555.

Naging kontrobersiyal ang RA 11235 dahil inaatasan ng nasabing batas ang paggamit ng malalaki at readable number plate kung saan ang mga lalabag ay papatawan ng parusang hindi bababa sa P50,000 at hindi lalampas sa P100,000.

Show comments