MANILA, Philippines — Isang hakbang na lamang patungo sa pag-apruba ang landmark measure na magdedeklara sa mga karapatan ng bansa sa maritime zonez nito.
Noong Miyerkules (Hulyo 17), ang bicameral conference committee na binubuo ng mga miyembro ng Senado at House of Representatives (HOR) ay nagkaisang ipinasa ang reconciled version ng Philippine Maritime Zones Act (Senate Bill No. 2492 at House Bill No. 7819).
“This will be the first time that the term ‘West Philippine Sea’ will be embodied, mentioned, and referred to in a law that will be passed by Congress,” sabi ni Tolentino, ang punong may-akda at sponsor ng SBN 2492.
Sa panukala, tatawagin na ang Philippine Rise - isang 13 milyong ektarya sa ilalim ng dagat na talampas na matatagpuan sa labas ng lalawigan ng Aurora - na ‘Talampas ng Pilipinas.’
Nang tanungin kung paano pakikinabangan ang panukala ng mga Pilipino, iginiit ng senador na “Malinaw na tutukuyin nito ang ating mga karapatan at hanggahan, kabibilangan ng mga lugar kung saan maaaring maglayag at mangisda ang ating mga mangingisda.”
Binanggit ni Tolentino ang dalawang kamakailang kaso na maaaring maiugnay sa panukala, kabilang ang insidente ng ‘hit-and-run’ sa Subic, Zambales, at mga ulat na ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard ay pumasok sa karagatan ng Lubang, Occidental Mindoro.
Ang Philippine Maritime Zones Act ay isa sa 28 hakbang na inihayag noong nakaraang buwan bilang prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).