MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Oktubre 30 kada taon bilang “National Day of Charity”.
Sa Proclamation No. 598 na inisyu ng Pangulo, sinabi nito ang commitment ng administrasyon para sa pag-promote at nakapagpapasigla sa mga buhay ng mga Filipino sa ilalim ng “Bagong Pilipinas”.
“Bagong Pilipinas, as the overarching theme of the Administration’s brand of governance and leadership, calls for deep and fundamental transformations in all sectors of society and government, and visions to emphasize compassion, solidarity and social responsibility among Filipinos,” nakasaad pa sa proclamation.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang dalawang pahinang proclamation nitong Hunyo 13.
Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ng Pangulo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pangunahan ang koordinasyon at pangasiwaan ang pagdiriwang ng “National Day of Charity” at kilalanin ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa selebrasyon.