MANILA, Philippines — Kapit bisig ang Motorcycle taxi platform Angkas at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagkakaloob ng libreng motorcycle at bicycle repair services para sa mga bikers na nabiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila.
Ang proyekto ng magkabilang panig ay layong suportahan ang mga riders at commuters at matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay habang nasa lansangan.
Ang service stations ay makikita sa ibat ibang Lay-By Stops ng MMDA sa Metro Manila na nag-aalok ng libreng repair tools, equipment, at mga items para sa mga riders at bikers na nangangailangan ng mabilis na pagkumpuni ng kanilang motorsiklo at bisikleta. Maaari rin nila itong kanlungan kapag may ulan.
Bukas ang repair stations simula sa Hulyo na panahon ng tag-ulan. Ang pilot areas nito ay makikita sa Quezon Avenue, Roxas Boulevard, at Ortigas.
“This partnership with the MMDA is a significant step towards providing tangible support to our motorcycle riders and bikers,” sabi ni Angkas CEO George Royeca.
“We understand the daily challenges they face, especially during the rainy season, and we are committed to making their commute safer and more convenient. By providing these free repair stations, we hope to offer immediate assistance and peace of mind to our bikers and commuters,” ani Royeca.
Binigyang diin ng MMDA na ang proyektong ito ay bahagi ng pagpapaigting pa ng road safety at maayos na kundisyon para sa motorcycle riders at bikers.