Gobyerno nakahanap na ng solusyon para mapababa presyo ng bigas – Pangulong Marcos

A worker arranges sacks of rice at a local rice store in Quezon City on October 4, 2023.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakahanap na ng mabisang solusyon ang pamahalaan para maibaba ang ­presyo ng bigas sa merkado.

Sa ambush interview sa Cagayan de Oro City, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may usapan ang Senado at Kamara tungkol sa pag-aangkat ng bigas ng national government.

“I don’t want to preempt the bicameral committee, but I think we have found the solution already,” sinabi pa ni Marcos.

Ayon sa Presidente, ayaw niya pa­ngunahan ang bicameral committee subalit binanggit nito ang tungkol sa pagbebenta ng murang bigas ng gobyerno para sumunod ang merkado.

“Pagka mataas ang presyo ng bigas, magbibitaw tayo ng bigas, magbebenta tayo ng mababa para sumunod ang merkado,” sinabi pa ng presidente.

Sabi ni PBBM, hindi pa niya alam kung anong ahensya ang mauuna ­subalit dedesisyunan niya kung ano ang pinakamainam gawin para mapababa ang presyo ng bigas sa lalong madaling panahon.

Bukod dito, desidido rin ang ­Pangulo na sertipikahan bilang urgent ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law.

Show comments