MANILA, Philippines — Multi-milyunaryo na ang isang mananaya matapos tamaan ang anim na numero sa nakaraang Lotto 6/42 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Huwebes kasi nang mapalanunan ng naturang lotto player ang P75.75 milyong jackpot prize matapos tayaaan ang sumusunod na winning combinations : 11-23-05-22-24-03.
Wala pang binabanggit ang PCSO sa ngayon kung saang lungsod, bayan o probinsya nabili ang winning ticket.
Kinakailangang makuha ang naturang papremyo isang taon matapos ibola bago ma-forfeit at mailipat sa charity fund ng PCSO.
Sa kabila nito, hindi maiuuwi ng nanalo ang kabuuan ng P74,759,118.80 papremyo dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Saklaw kasi ng 20% final tax ang mga lotto winnings na higit sa P10,000.
Martes lang nang ibalita ng PCSO na kinubra ng isang 50-anyos na construction worker ang mahigit P46 milyong jackpot prize matapos tamaan ang Megalotto 6/45 noong ika-22 ng Abril.