2025 elections cyber attacks posible - NICA

Sa pahayag ni NICA Director General Ricardo de Leon sa “Bagong Pilipinas” Media Engagement and Workshop sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales nitong Biyernes, sinabi ni De Leon na kumikilos na ang pamahalaan para kontrahin ang mga  posibleng “cyber threat”.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi isinasantabi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang posibilidad na cyber attack sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Sa pahayag ni NICA Director General Ricardo de Leon sa “Bagong Pilipinas” Media Engagement and Workshop sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales nitong Biyernes, sinabi ni De Leon na kumikilos na ang pamahalaan para kontrahin ang mga  posibleng “cyber threat”.

Aniya, kabilang ito sa mga security issues sa kanilang ginawang threat assessment sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Maaari rin umano itong makaapekto sa pagkakaroon ng mapayapa at maayos na eleksyon.

Babala pa ng mga awtoridad, isa ring banta ang paggamit ng artificial intelligence (AI) na maaaring lumikha ng pagkakahati-hati ng mamamayan at magdulot ng kaguluhan sa halalan.

Manggagaling umano sa “foreign adversaries” ang banta ng cyberattack sa bansa habang papalapit ang eleksiyon.

Sa ngayon, pinag-aaralan na aniya ng NICA at Commission on Elections (COMELEC) ang eleksyon sa Taiwan at ang papara­ting na halalan sa Estados Unidos dahil maaaring magkaroon din ito ng implikasyon sa political issues sa bansa.

Show comments