MANILA, Philippines — Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga banyagang huwag magbiro tungkol sa bomba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bagay na maaaring magresulta sa deportation o "denial of entry" sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ng kawanihan matapos ang isang insidente nitong Miyerkules, dahilan para maantala ang lipad ng Japan-bound Philippine Airlines (PAL) flight PR412.
Limang oras na-delay ang naturang flight sa NAIA Terminal 1 matapos makatanggap ng bomb threat ang mga awtoridad mula sa tawag ng hindi pa nakikilalang baabae.
"Bomb jokes or any comments referencing explosives are not taken lightly, especially in sensitive environments like airports," wika ni BI commissioner Norman Tansin kanina.
"Such actions can be construed as threats and may lead to exclusion or deportation if foreign nationals are involved."
Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, ipinagbabawal ang pagbibiro o pagbabanta tungkol sa pambobomba ng gusali, sasakyan, personal na ari-arian, atbp. sa pamamagitan ng "explosives, incendiary devices, and other destructive forces of similar nature or characteristics."
Ang mapatutunayang lalabag sa naturang batas ay maaaring makulong ng hindi bababa sa limang taon at/o pagmultahin ng hindi bababaa sa P40,000 — depende sa pananaw ng korte.
"We urge all foreign nationals to exercise caution and refrain from making any statements or jokes that could be deemed as threats to security," dagdag pa ni Tansingco.
"Our country remains hospitable for foreigners, but for only those who follow our laws."
Dagdag pa ng Immigration, obligasyon ng mga dayuhang sumunod sa batas ng Pilipinas habang nasa loob ng bansa kung ayaw nilang humarap sa sari-saring parusa mula sa local law enforcement agencies.