Walang Pinoy na nadamay sa lindol sa Taiwan - DMW

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang nasaktan sa mga OFWs kasunod ng sunud-sunod na lindol na yumanig sa Taiwan nitong Sabado, Abril 27.

Ang una, na may sukat na magnitude 6.1, ay nangyari alas 2:21 ng madaling araw habang ang pangalawa ay sa magnitude 5.8, pagsapit ng 2:49 ng madaling araw, ayon sa ulat ng Central Weather Admi­nistration (CWA) ng Taiwan.

Ang mga Migrant Workers Offices (MWOs) sa Taipei, Taichung at Kaohsiung ay nakaalerto at sinusu­baybayan ang sitwasyon na handang tumulong sa sinumang OFW na maaaring nasugatan o naapektuhan ng lindol.

Sa pakikipag-ugnayan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pangunguna ni Chairman Silvestre H. Bello III, ang

mga opisyal at tauhan ng DMW MWOs at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nakikipagtulungan sa mga komunidad at lider ng Filipino, lokal na awtoridad, at mga employer upang alamin ang kaligtasan at katayuan ng mga OFW.

Ang DMW Head Office sa Mandaluyong ay magla­labas ng karagdagang mga bulletin kung kinakailangan.

Show comments