Cavite Rep. Barzaga pumanaw na

MANILA, Philippines — Sumakabilang buhay na si Cavite 4th District Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. sa California, USA nitong Sabado ng hapon (Philippine time) sa edad na 74.

Ito ang kinumpirma ng pamilya ni Barzaga sa isang social media post.

“Throughout his life, Cong. Pidi dedicated himself to serving the people of the Province of Cavite and the City of Dasmariñas with unwavering commitment and passion,” ayon sa pahayag ng misis nitong si Dasmariñas City, Cavite Mayor Jenny Barzaga.

Sinabi ni Mayor Barzaga na ang dedikasyon ng solon sa edukasyon, kalusugan at pag-ahon sa kahirapan ang nagpaangat sa buhay at kinabukasan ng kaniyang mga constituents.

Ayon pa sa nabiyudang alkalde, nag-iwan ng alaala si Barzaga sa dedikasyon nito sa paglilingkod sa kaniyang mga kababayan.

“He will be remembered for his compassion and relentless pursuit of justice”, ayon pa sa mensahe ng pamilya ng mambabatas. Inulila ni Barzaga ang kaniyang misis na si Mayor Jenny at kanilang mga anak na sina BM Kiko, Third at Enzo.

“As we mourn his loss, we find solace in the countless lives he touched and the enduring impact of his work. We humbly ask for your prayers and support during this difficult time,” dagdag ni Mayor Barzaga.

Magugunita na noong nakalipas na huling bahagi ng taon ay nagtungo si Barzaga kasama ang ilang miyembro ng pamilya nito upang magpagamot sa kaniyang karamdaman. Ang solon ay maysakit din sa puso na nagkaroon pa ng maraming kumplikasyon.

Show comments