38 lugar nasa ‘danger level’ - PAGASA

A pedestrian cools himself with a folding hand fan as he waits for a ride along a road in Manila on April 24, 2024, as extreme heat affected the country. Extreme heat scorched the Philippines on April 24, forcing schools in some areas to suspend in-person classes and prompting warnings for people to limit the amount of time spent outdoors.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Mula sa 30 lugar nitong Miyerkules, umaabot na sa 38 lugar kahapon ang nagtala ng init 42°C hanggang 47°C heat index.

Ito ay batay sa forecast ng PAGASA kung saan ang Sangley Point sa Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na heat index na umaabot sa 47°C at sa Dagupan City, Pangasinan na 46°C habang ang Metro Manila ay 45°C heat index.

Sa 38 lugar, lima dito ang nakaranas ng 45°C; 3 ang 44°C; 43°c sa 9 na lugar; 12 lugar ang nagtala ng 42°C.

Samantala ang pinaka malamig na lugar sa Pilipinas na dati ay nagtatala ng 11-14°C ay nagrehistro ng 28°C sa Baguio City at BSU La Trinidad sa Benguet.

Ayon sa PAGASA, itinuturing na danger level ang 42°C-51°C na heat index na posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion o heat stroke ang isang tao  kung patuloy ang pagkaka-expose nito sa init ng araw.

Patuloy na inirerekomenda ng PAGASA ang limitadong outdoor activities; uminom ng maraming tubig; at magsuot ng preskong damit upang maibsan ang epekto ng matinding tag-init ng panahon.

Show comments