46% ng pamilyang Pinoy ramdam na sila'y 'mahirap,' sabi ng SWS

Residents go about their daily routines in the urban community in Binondo, Manila on April 23, 2024.

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang bilang ng "self-rated poor families" sa Pilipinas nitong Marso 2024, bagay na katumbas ngayon ng 12.9 milyong pamilya sabi ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isang survey na isinapubliko ngayong Huwebes, sinabi ng SWS na papaalo sa 46% ng pamilyang Pinoy ang naniniwalang sila'y mahirap: 

  • self-rated poor: 46%
  • borderline poor: 30%
  • not poor: 23%

"Compared to December 2023, the percentage of Poor families hardly changed from 47%, while Borderline families barely moved from 33%, and Not Poor families rose slightly from 20%," paliwag ng survey firm kanina.

"The estimated numbers of Self-Rated Poor families were 12.9 million in March 2024 and 13.0 million in December 2023."

Sinasabing nanggaling ang 1-point decline sa naationwide self-rated poor sa bahagyang pagbaba nito sa Mindanao at Metro Manila. 

Narito ang porsyento ng self-rated poor families sa mga mayor na pulo at rehiyon sa bansa:

  • Balance Luzon: 38%
  • Metro Manila: 37%
  • Visayas: 64%
  • Mindanao: 56%

"Compared to December 2023, Self-Rated Poor fell slightly in Mindanao from 61% and Metro Manila from 37%. However, it rose in the Visayas from 58% and hardly changed in Balance Luzon from 39%," dagdag ng SWS.

"On the other hand, Borderline fell in the Visayas from 35% to 25%. However, it hardly changed in Metro Manila from 29% to 27%, Balance Luzon from 34% to 31%, and Mindanao from 32% to 35%."

Tumaas naman ang mga "hindi mahihirap" sa Metro Manila mula sa dating 35%, habang halos hindi ito nagbago sa Balance Luzon sa dating 27%, Visayas sa 7% at Mindanao sa 6%.

'P15k/buwan para hindi maging mahirap'

Nananatili sa P15,000 ang national median self-rated poverty threshold sa bansa sa nakalipas na siyam na kwarto. Ito ang buwanang budget na kailangan ng mga na-survey para masabing hindi sila naghihirap:

Narito ang self-rated poverty threshold sa iba't ibang lugar sa bansa:

  • Balance Luzon: P15,000
  • Metro Manila: P25,000
  • Visayas: P15,000
  • Mindanao: P10,000

Samantala, bumaba naman sa P5,000 ang self-rated poverty gap saa P5,000. Kumakatawan ito sa diperensya ng aktwal na kinikita sa poverty line.

6% ng pamilyang mahirap 'newly poor'

Lumabas din sa March 2024 survey na 6% sa mga pamilyang mahihirap ay hindi mahirap isa hanggang apat na taon na ang nakararaan.

Nasa 5.3% naman sa mga mahihirap na pamilya ay non-poor limang taon pataas na ang nakalilipas habang 34.9% naman sa mga nabanggit ay hindi naaranasang makaahon sa kahirapan.

Kung titilad-tilarin, narito ang dami ng self-rated poor sa ngayon:

  • newly poor: 1.7 milyon
  • usually poor: 1.5 milyon
  • always poor: 9.7 milyon

Samantala, 14.9 naman ang self-rated non-poor nitong Marso. Kabilang riyan ang sumusunod:

  • newly non-poor: 4.3 milyon
  • usually non-poor: 2.8 milyon
  • alyways non-poor: 7.7 milyon

Kinasa ang First Quarter 2024 SWS survey mulaa ika-21 hanggang ika-25 ng Marso gamit ang harapang panayam sa 1,5000 katao sa buong bansa.

Meron itong sampling error margin na ±2.5% para sa national percentages, ±4.0% para sa Balance Luzon, at ±5.7% para sa Metro Manila Visayas at Mindanao.

"The SWS survey questions about Self-Rated Poverty and Self-Rated Food Poverty are directed to household heads. These items are non-commissioned and are included on SWS’s initiative and released as a public service," paliwanag ng survey firm.

Show comments