MANILA, Philippines — Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 34 kaso ng heat-related illnesses sa bansa, kabilang ang anim na namatay, ngayong mataas ang heat index sa ilang lugar.
Base sa kanilang Event-Based Surveillance and Response System, ang naturang 34 heat-related illness cases ay naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 18, 2024 lamang.
Ang mga pasyente ay mula sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccsksargen.
Sa naturang bilang, anim katao na umano ang iniulat na nasawi ngunit biniberipika pa ang dahilan ng kanilang kamatayan.
“The most number of heat related illnesses in recent years was recorded at 513 in the year 2023,” wika pa nito.
Nabatid na ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao.
Ito ay iba umano sa aktwal na temperatura ng hangin. Nasusukat ito sa pamamagitan ng humidity at air temperature.