Pangulong Marcos sa LGUs: Tumulong sa pagsugpo ng krimen

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno na suportahan ang 2024 National Crime Prevention Program (NCPP) na layong mabawasan ang paglaganap ng krimen sa buong bansa.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang NCPP ay isinumite ng DILG kay Marcos noong Pebrero 22, na nagdedetalye ng layunin nitong magbigay ng mga “cross-cutting strategies” upang higit na mapaunlad ang mga ligtas na komunidad, protektahan ang mga karapatan ng mga Pilipino, at mabawasan ang paglaganap ng krimen sa bansa.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 46 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 18 na inaatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno at instrumentalities, pati na rin ang mga local government units (LGUs), na suportahan at makipagtulungan sa pagpapatupad ng 2024 NCPP.

Pangungunahan ng National Police Commission ang pagpapatupad ng 2024 NCPP, batay sa tagubilin ni Marcos.

Show comments