PDP-Laban dumistansiya sa banat ni Duterte vs Pangulon Marcos

MANILA, Philippines — Nilinaw ng partidong PDP-Laban na iba ang pananaw nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na direktang binabanatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi nina PDP-Laban President at Palawan 2nd district Rep. Jose Alvarez, Cebu City Mayor Mike Rama at Sen. Francis Tolentino sa isang press conference.

Sinabi ni Alvarez na walang maririnig na stand sa partido nila tungkol sa hirit ni Duterte na sangkot sa ilegal na droga si Marcos.

Kaya apela niya, huwag iugnay ang kanilang partido kay Duterte na nakikipag-usap lang sa publiko sa pamamagitan ng isang prayer rally.

“Let us not drag the party into it,” ayon pa kay Alvarez.

Nilinaw rin niya na wala sa “combative mode” ang kanilang partido kontra sa administrasyong Marcos, taliwas naman sa ipinapakita ng kanilang chairman na si Duterte.

Show comments