US nagdeploy ng midrange missile system sa Pinas para sa military exercise

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagamitin sa bansa ang naturang missile system para sa isang joint military exercises sa pagitan ng dalawang bansa.

MANILA, Philippines —  Kumpirmado nang nagpadala ng Midrange Capability missile system ang United States Army sa Pilipinas para sa gaganaping Salaknib Exercises 2024 ng Pilipinas at Estados Unidos.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagamitin sa bansa ang naturang missile system para sa isang joint military exercises sa pagitan ng dalawang bansa.

Nasa hindi tinukoy na lugar sa Northern Luzon ang MRCS na inaasahang magbibigay ng abilidad sa United States forces na maglunsad ng Standard Missile 6 at Tomahawk Land Attack Missile sa Luzon Strait.

Ang Standard Missile 6 System ay kayang umabot ng hanggang 300 nautical miles o mahigit 500 kilo­meters na  lagpas pa sa 370km distance sa pagitan ng pinakahilagang bahagi ng Pilipinas at Timog na bahagi ng Taiwan.

Tiniyak naman ni Balikatan Exercises 2024 Executive Agent col. Mike Logico na hindi gagamitin ang SM6 sa Balikatan Exer­cises 2024.

Sa halip, pinag-aaralan nila ngayon ang feasibility na dalhin ang weapon system na ito sa himpapawid kung saan ito ilulunsad sa isang secure at established na lugar.

Show comments