MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng Pilipinong walang trabaho nitong Pebrero 2024 matapos ang dalawang buwang pagtaas, ngunit tumaas naman ang average na oras na ginugugol ng mga empleyado sa nakalipas na taon.
Ayon sa February 2024 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes, lumiit patungong 3.5% ang unemployed mula sa 4.5% noong Enero.
Related Stories
"In terms of magnitude, the number of unemployed persons 15 years old and over in February 2024 was estimated at 1.80 million. This was lower than the 2.47 million and 2.15 million unemployed individuals in February 2023 and January 2024, respectively," sabi ng PSA.
"On average, employed persons worked 40.1 hours per week, which was higher than the average hours worked in a week in February 2023 at 39.5 hours but lower than the reported average hours worked in a week in January 2024 at 42.1 hours."
Ayon sa Article 83 ng Labor Code, 40 oras kada linggo o walong oras kada araw ang karaniwang trabaho ng manggagawa o empleyado. Sa tuwing nag-o-overtime ang mga tao, kakailanganing bayaran nang mas malaki ang manggagawa.
Ginagawa ito nang ilan sa tuwing hindi sapat ang kinikita para sa pangangailangan.
Narito ang ilan pang datos mula sa parehong pahayag ng PSA:
- unemployment rate: 3.5%
- unemployed: 1.8 milyon
- employment rate: 96.5%
- employed: 48.95 milyon
- underemployment rate: 12.4%
- underemployed: 6.08 milyon
- labor force participation rate: 64.8%
- labor force: 50.75 milyon
Kapansin-pansing bumaba ang underemployed at underemployment rate nitong Pebrero kumpara noong Enero, bagay na nangangahulugang "gumanda" ang kaledad ng mga trabaho kumpara noong nagsimula ang taon.
Kinakatawan ng nabanggit ang porsyento at bilang ng mga naghahangad ng dagdag trabaho o karagdagang oras sa trabaho.
Tumaas din ang bilang porsyento (64.8%) ng populasyong may trabaho o naghahanap ng trabaho (50.75 milyon).
"Wage and salary workers continued to account for the largest share of employed persons with 62.9 percent of the total employed persons in February 2024," dagdag pa ng PSA.
"This was followed by self-employed persons without any paid employee at 27.2 percent and unpaid family workers at 7.8 percent. Employers in own family-operated farm or business had the lowest share of 2.0 percent."
Lumabas ang balitang ito ilang araw matapos sumirit sa 3.7% ang inflation rate, primarya dahil sa bili ng pagtaas ng presyo ng pagkain at gastusin sa transportasyon.