Pangulong Marcos: PUV consolidation wala ng extension

President Ferdinand Marcos Jr. answers questions from representatives of various transport groups, private and business sectors, and local government officials about Metro Manila’s traffic problem in San Juan City on April 10, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Hindi na palalawigin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aplikasyon para sa consolidation ng individual public utility vehicle (PUV) operators para magbuo ng transportation cooperatives.

“Sa kahuli-hulihan, wala na pong extension ‘yung (consolidation). Kailangan na kailangan na natin ‘yan,” sabi ni Marcos.

Matatandaan na nitong katapusan ng Enero ay pinalawig ang aplikasyon para sa PUV modernization hanggang Abril 30, 2024 matapos na irekomenda ng Department of Transportation (DOTr).

Kasabay nito siniguro rin ng Presidente na hindi na magiging mabigat ang babayaran at iuutang ng driver-operators dahil gagawin nang maayos at organisado ang sistema dito.

Layon ng consolidation sa PUV Modernization Program na mapalitan ang traditional jeepneys ng Euro 4-compliant engine para mabawasan ang polusyon at mapalitan na ang mga unit na hindi na roadworthy sa ilalim ng standards ng Land Transportation Office (LTO).

Show comments