MANILA, Philippines — Pansamantalang ihihinto simula ngayong Martes, Abril 9 hanggang bukas, Abril 10 ang biyahe ng Quezon City bus service.
Sa abiso ng QC government, magkakaroon ng tigil-operasyon ang mga libreng bus sa lungsod upang bigyang daan ang paggunita ng Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr o feast of Ramadhan.
Paraan din ito upang bigyan ng panahon na makapagpahinga sa pamamasada ang mga bus driver na naghahatid ng serbisyo sa mga residente ng Quezon City.
Ang QC bus ay malaking tulong sa mga QC residents at karatig lugar na maghatid sundo papunta sa trabaho at mga paaralan.