MANILA, Philippines — Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdiriwang ng mga Filipino at ng buong mundo sa pagkabuhay ng Panginoong Hesus ngayong Easter Sunday.
“Today, we remember the fulfillment of the promise of Jesus Christ to humanity- that he will rise again and deliver eternal salvation for all,” pahayag pa ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ngayon inaalala natin ang pangako ng Panginoong Hesus sa sangkatauhan na siya ay babangon muli at magbibigay ng walang hanggang kaligtasan sa lahat.
“This auspicious occasion reminds us that, while faith, devotion, and sacrifice are, by themselves, worthy ideals to aspire for they also yield great rewards both here on earth and the hereafter,” ayon pa kay Marcos.
Dito anya tayo dapat kumuha ng inspirasyon para sa mahalagang salaysay para madaig natin ang ating personal at spiritual na pagsubok at ito rin ang siyang magsilbi sa ating mga puso na tularan ang Panginoon, lalo na sa pamamahagi ng mga biyaya sa mga mahihirap, mga may sakit at mga inaapi.
Sa huli ay nanawagan ang punong ehekutibo na magkaisa sa panalangin para sa gabay ng Panginoon para sa pagkakaisang maisulong ang Bagong Pilipinas na nais nating maabot.
“I wish everyone a happy and blessed Easter Sunday,” ayon pa kay Pangulong Marcos.