DSWD naglaan ng higit P388 milyon standby funds sa Semana Santa

MANILA, Philippines — Handang magkaloob ng kaukulang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa anumang pangangailangan ng mamamayan sa paggunita ng Mahal na Araw.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, may kabuuang Php388,547,264.48 standby funds at 1,214,479 family food packs (FFPs) ang nasa mga strategic areas sa buong bansa at handang ipamigay sa ­panahon ng pangangailangan ngayong Semana Santa.

Ang disaster management and response teams ng DSWD at lahat ng 16 Field Offices (FOs) ay patuloy na naka-standby para rumesponde sa anumang emergency ngayong Kuwaresma.

Nakikipag-ugnayan din ang DSWD sa PAGASA para malaman ang updates sa kalagayan ng panahon sa bansa.

Tiniyak din ni Dumlao sa publiko na bukas ang ahensiya sa anumang kailangang tulong ngayong Lenten Season.

“We urge the public to stay safe, remain vigilant, and heighten awareness to avoid emergencies, particularly during the Lenten Season break,” sabi pa ni Dumlao.

Show comments