Vatican decree hindi kinikilala 'pagpapakita ni Maria' sa Lipa, Batangas

Makikita sa larawang ang imahe kung saan sinasabing "nagpakita" ang Birheng Maria noong
Wikimedia Commons/Srppateros

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang dekada, isinapubliko ng Archdiocese of Lipa ang 1951 decree ng Dicastery for the Doctrine of the Faith, bagay na nagsasabing "walang supernatural" sa pagpapakita kuno ng Birheng Maria sa Batangas noong 1948.

Ito ang inilinaw ng Archdiocese of Lipa nitong Martes sa kanilang Circular 32, Series of 2024. Ilang taon nang itinatanggi ng mga deboto ang pagkakaroon ng ganitong dokumento mula sa Vatican — bagay na napasinungalingan.

"I wish to inform Your Reverences that upon the fervent requet of His Excellency Most Reverend Pablo Virgilio David, President of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines, the Dicastery for the Doctrine of the Faith has released a copy of the much-awaited 1951 Degree regaarding the conclusion of the Holy See on the alleged apparition in Lipa," wika ng doumentong pirmado nina Archbishop of Lipa Gilbert Garcera at Chancellor Rev. Fr. Jayson Alcaraz.

"As you will see, the 1951 Vatican document confirms the non-supernatural nature of the events in Lipa."

 

 

Isinulat ang orihinal na decree noon pang ika-28 ng Mayo taong 1951 sa wikang Italyano.

Narito ang salin nito sa Inggles:

S.O. 226/49

28th day of May 1951

By order of the Most Holy Father’s will:

The apostolic delegate is to authorize the apostolic administrator to issue a document from the Curia, in which is declared that the events of Lipa, after serious examination, turns out not to have a supernatural origin and character.

In audience with His Holiness
Thursday, 29th day of March 1951

Certified authentic:
Victor Cardinal Fernandez, prefect

Nagmula ang lahat ng ito sa pahayag ng isang Teresita Castillo na siyang nagsabing nakita niya ang Birheng Maria sa loob ng Carmelite Monastery sa Lipa, Batangas noong ika-12 ng Nobyembre taong 1948.

Una na naibalitang idineklarang peke ito ni Pope Pius XII noong 1951. Gayunpaman, idineklara itong "supernatural and worthy of belief" noon ni dating Archbishop of Lipa, Ramon Arguelles.

Mga deboto umapela

Umani naman ng batikos ang circular na ito sa ilang deboto ng Our Lady, Mary Mediatrix of All Grace habang inuudyok ang muling pag-iimbestiga sa sinasabing aparisyon.

"Please revisit, reinvestigate the 1948 Lipa Apparition case. And please focus on the seer Sr. Teresita Castillo," wika ng isang Ate Dayay sa Facebook habang nananawagan sa Vatican at CBCP.

"Please consider the investigation journal of Fr. Angel de Blas, O.P., the main investigator of the Lipa Apparition case."

Dagdag pa niya, kung sakaling hindi supernatural ang nabanggit, magandang makita ang positibong naidulot ng naturang Marian image habang hinihikayat ang mga nabanggit na patatagin ang paniniwala bilang Krisityano.

Show comments