Ex-FL Imelda Marcos naospital sa ‘suspected pneumonia’

MANILA, Philippines — Isinugod sa ospital si dating Unang Ginang Imelda Marcos dahil sa suspected pneumonia.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, mayroong lagnat at ubo ang kanilang ina.

“Inospital na namin [for] close monitoring... Suspected pneumonia as she has been having fever [and] cough on [and] off,” sabi ni Imee.

Sinabi pa niya na dahil sa edad ng kanilang ina ay minabuti na lang nilang ipasok ito sa ospital.

“Given her age, we [have to] take [maximum] precautions,” dagdag niya.

Noong Mayo 2023, sumailalim ang 94-anyos na dating First Lady sa angioplasty procedure.

Show comments