Barko ng PCG muling binully ng Chinese Coast Guard

Nag-umpisa ng patrulya ang BRP Teresa Magbanua nitong Pebrero 1 sa katubigan malapit sa Scarborough Shoal, at upang mamahagi ng mga suplay sa mga mangingisdang Pilipino.
Philippine Coast Guard / Facebook page

MANILA, Philippines — Muli umanong nam-bully ang Chinese Coast Guard (CCG) nang magsagawa ng mapanganib na maniobra sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa siyam na araw na patrulya sa West Philippine Sea kamakailan.

Nag-umpisa ng patrulya ang BRP Teresa Magbanua nitong Pebrero 1 sa katubigan malapit sa Scarborough Shoal, at upang mamahagi ng mga suplay sa mga mangingisdang Pilipino.

Sa naturang siyam na araw na misyon, nagsagawa umano ng mapanganib na maniobra at pagharang ang mga barko ng CCG sa BRP Teresa Magbanua ng apat na beses, kabilang ang dalawang beses na tumawid sa unahan ng barko ng PCG.

Bukod dito, binuntutan pa ng nasa apat na barko ng CCG ang BRP Teresa Magbanua sa higit sa 40 na beses. May apat pang Chinese Maritime Militia vessels na kasama ang mga barko ng CCG.

Naglabas din ng video ang PCG na nagpapakita ng mapanganib na maniobra ang barko ng CCG.

Sa kabila ng mga insidente, natapos ng 97-metrong BRP Teresa Magbanua ang kaniyang misyon.

Show comments