Unang Lung Transplant sa Pinas, inilunsad

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. ang ribbon cutting para sa kauna-unahang Lung Transplant Program sa Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney Transplant Institute (NKTI). Dumalo rito sina (mula kaliwa) Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr.; Sen. Sonny Angara; Department Manager, Lung Center of the Philippines Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, Executive Director; LCP Dr. Vincent Balanag, ­Executive Director; LCP Dr. Edmund Villaroman, Department Head, Thoracic Surgery and Anesthesia Department LCP, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Yummie Dingding/PPA Pool

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad ng kauna-unahang Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City.

Sinabi ni Pangulong Marcos, na isang malaking breakthrough ang lung transplant sa bansa.

Kasabay nito, pinasalamatan din niya ang healthcare professionals sa patuloy pagbibigay serbisyo sa taong bayan.

Si Pangulong Marcos ang ikalawang pangulo ng bansa na bumisita sa Lung Center kasunod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Taong 1998 pa may nakapila na sana sa lung transplant subalit nasunog ang Lung Center of the Philippines kaya inuna muna ang pag-aayos nito bago ang lung transplant.

Ayon sa presidente, ang pneumonia at iba pang respiratory diseases ang nasa top 20 diseases na sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino.

Habang nasa P4.2 milyon ang inilaang pondo para sa renovation ng post-anesthesia care at P1.8 milyon ang inilaan para sa surgical intensive care unit. Ang nasabing pondo ay nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act at private sector donations.

Kasabay nito, nangako si Pangulong Marcos na magtatag ng 179 medical specialty centers bago matapos ang administrasyon sa 2028.

Pito sa naturang specialty centers ang laan para sa lung care centers.

Show comments