10-buwang baby boy sugatan mata sa kwitis; New Year disgrasya 557 na

Revellers watch as fireworks light up the sky ushering in the New Year at Rizal Park, in Manila on January 1, 2024.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Lagpas 500 katao na ang nadidisgrasya ng paputok sa pagpasok ng Bagong Taon sa ngayon — ang pinakabata sa mga bagong kaso ay isang 10-buwang sanggol na nadisgrasya ng ligal na pailaw.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules matapos makapagtala ng 144 bagong kaso sa pagitan ng ika-2 ng Enero hanggang kaninang madaling araw.

"Ang pinakabatang naitala ngayon ay isang 10 buwang gulang na sanggol na lalaki mula sa NCR na ang kanang mata ay nasugatan ng ang legal na Kwitis, naiilawan ng ibang tao sa bahay," sabi ng DOH.

"Ang pinakamatandang naitala ngayon ay isang 77/M mula sa Ilocos Region, na napaso ng isang legal na Whistle Bomb na sinindihan din ng ibang tao sa bahay."

Kabilang sa mga bagong kaso ang sumusunod:

  • lalaki: 98
  • babae: 16
  • pinakabata: 10-buwan
  • pinakamatanda: 77-anyos
  • nadisgrasya sa bahay at mga lansangan: 111
  • ligal na paputok gamit: 59
  • iligal na paputok gamit: 55
  • naospital: 10

"Mag-isip muna tayo ng dalawang beses bago tayo magsindi ng fireworks para sa kaligtasan natin at ng ating mga mahal sa buhay," dagag pa ng Kagawaran ng Kalusugan.

"Habang malapit nang magsara ang FWRI surveillance para sa kapaskuhan na ito, nakakatanggap pa rin kami ng mga ulat, data na gagamitin ng DOH para mahigpit na itulak ang mga hakbang para sa Pasko 2024 at Bagong Taon 2025."

Higit 500 nadali

Umabot naman na sa 557 sa ngayon ang napinsala kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon: 555 sa kanila ay dahi sa paputok, isa dahil sa pagkalunok ng watusi at isa dulot ng ligaw na bala.

Lumobo sa ganitong lebel ang mga nadidisgrasya kahit na 1,210 local government units ang may ordinansa laban sa paputok.

Karamihan sa mga firework-related injuries (FWRIs) ngayon ay nagmula sa Metro Manila:

  • National Capital Region: 55%
  • Ilocos Region: 10%
  • Central Luzon: 8%
  • CALABARZON: 7%

Nasa 97% ng lahat ng mga nadisgrasya simula nang monitoring period ng DOH ay nangyari sa kani-kanilang bahay at sa mga lansangan. Karamihan din sa kanila ay lalaking may aktibong pakikilahok.

Narito naman ang mga nangungunang paputok na nakadisgrasya sa taong ito, bagay na bumubuo sa 64% ng lahat ng FWRI:

  • Kwitis
  • 5-star*
  • Pla-pla*
  • Boga*
  • Whistle Bomb
  • Luces
  • Fountain

"Ang mga ilegal na paputok (may marka ng asterisk) ay dapat sisihin para sa apat lamang sa bawat sampung kaso (216, 39%), na may mga legal na paputok na nagdudulot ng mas maraming pinsala," dagdag ng kagarawan.

"Magtulungan tayo para sa #BagongPilipinas kung saan #BawatBuhayMahalaga at nababawasan ang pinsala mula sa paputok."

Kahapon lang nang unang maitala ng DOH ang pinakaunang namatay at stray-bullet injury sa pagdiriwang ng New Year 2024.

Matagal nang hinihikayat ng gobyernong lumahok ang publiko sa mas ligtas na pagpapaingay tuwing holiday season para makaiwas sa sakuna.

Show comments