MANILA, Philippines — Naglabas ang Philippine National Police (PNP) ng updated na listahan ng mga ipinagbabawal na paputok, ito habang papalapit na ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ito ang ibinahagi ng kapulisan sa "Sumbong N'yo, Aksyon Agad" ng UNTV ngayong Martes, isang programang pinangungunahan mismo ng PNP.
Related Stories
Ilan na rito ang mga sumusunod:
- Watusi
- Piccolo
- Poppop
- Five star
- Pla-pla
- Lolo thunder
- Giant bawang
- Giant whistle bomb
- Atomic bomb
- Super lolo
- Atomic triangle
- Goodbye bading
- Large-size judas belt
- Boga
- Kwiton
- Goodbye Philippines
- Goodbye Delima
- Bin Laden
- Hello Columbia
- Mother Rockets
- Coke-in-Can
- Super Yolanda
- Pillbox
- Mother Rockets
Paalala ng PNP, delikado ang mga nabanggit na "primary explosives" dahil masyado raw sensitibo ang mga ito lalo na kung ma-expose sa friction (makikiskis), impact (mapukpok), shock o heat (init) — bagay na maaaring panggalingan ng biglaang pagsabog.
Babala pa ng PNP, palagiang pinapalitan ng mga nagbebenta ng iligal na paputok ang mga pangalan nito upang makaiwas sa hulihan. Gayunpaman, pareho lang daw ang composition ng mga ito.
Una nang naglabas ang otoridad ng listahan ng mga ligal na paputok at pailaw, gaya na lang ng:
- Baby rocket
- Bawang
- El Diablo
- Judas' belt
- Paper caps
- "Pulling of strings"
- Sky rocket (kwitis)
- Small "triangulo"
- Butterly
- Fountain
- Jumbo, regular, and special luces
- Mabuhay
- Roman Candle
- Sparklers
- Trompillo
- Whistle device
Ngayong buwan lang nang maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng listahan ng certified fireworks upang magabayan ang mga consumer ngayong New Year.
Ngayong 2023 lang nang umabot sa 300 ang fireworks-related injuries noong nakaraang New Year at holiday season.
Matagal nang hinihikayat ng Department of Health ang publikong umiwas ang lahat sa paggamit ng paputok, at sa halip gumamit na lang ng mas ligtas na paingay.