Tagaytay City ipinagmalaki ni ­Tolentino sa Asia-Pacific lawmakers

Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, chairperson of the 31st Annual Meeting of the Asia-Pacific Parliamentary Forum, and House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sign the Joint Communique at the conclusion of the conference Saturday, November 25, 2023, at the Philippine International Convention Center in Pasay City.

MANILA, Philippines — Mainit na tinanggap ni Senator Francis “Tol” Tolentino sa Lungsod ng Tagaytay ang mga mambabatas mula sa Brunei Darussalam, Canada, Mexico, South Korea, India, Malaysia at Thailand bilang bahagi ng 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF 31) cultural tour segment.

Malugod na sinalubong ng mga kultural na pagtatanghal ang mga delegado at sila’y hinainan ng mga lokal na delicacy para sa tanghalian sa Taal Vista. Sinundan ito ng paglilibot sa Tagaytay upang ipakita ang pamana ng lungsod.

Nagsilbi bilang matagal na alkalde ng Tagaytay, ipinagmalaki ni Sen. Tolentino ang hospitality ng mga taga-lungsod na makikita sa napakalakas na turismo nito.

“We pride ourselves with our hospitality. And we are honored to host you today,” ayon sa senador.

Sinabi ng mambabatas na inaasahan niya ang mas matibay na ugnayan sa mga miyembrong estado ng APPF 31.

“As we forge a united Asia-Pacific and share the vision of peace, prosperity, and innovation that could be appropriate for generations to come,” sabi ni Sen. Tol.

Ang APPF 31 na inorganisa ng Senado at Kapulu­ngan ng mga kinatawan ng Pilipinas ay nagwakas noong Nobyembre 25 matapos pagtibayin ang 10 resolusyon na sumasaklaw sa resilient partnerships for peace, prosperity at sustainability.

Show comments