Pinoy na hostage ng Hamas, pinalaya na

Rescue teams search for victims in the wreckage of a bus that exploded in Jerusalem on February 25, 1996. At least 23 Israelis were killed and more than 50 injured in the explosion, in the attack claimed by the Hamas.
AFP / Menahem Kahana

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon ang pagpapalaya sa Pinoy na si Gelienor “Jimmy” Pacheco noong Biyernes, ilang linggo matapos siyang ma-hostage ng Pales­tinian militant group na Hamas.

“I am overjoyed to confirm that a Filipino, Mr. Gelienor ‘Jimmy’ Pacheco, was among the first group of 24 hostages released by the Hamas yesterday,” ani Marcos.

Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Embassy sa Israel si Pacheco.

Pinuri rin ng Pangulo ang Philippine Foreign Services at pinasalamatan ang Estado ng Qatar sa kanilang napakahalagang tulong sa pagtiyak ng kalayaan ni Pacheco.

Si Pacheco, 33, ay na-hostage noong Oktubre 7.

Sa pagpapalaya ni Pacheco, sinabi ni Pa­ngulong Marcos na nananatiling nababahala ang gobyerno sa kinaroroonan ng Filipino national na si Noralyn Babadilla na hostage ng Hamas group.

Sinabi ng Pangulo na hindi mag-aaksaya ng panahon ang gobyerno ng Pilipinas para matiyak ang pagpapalaya sa kanya kung mapatunayang isa siya sa mga hostage ng grupo.

“We remain concerned over the whereabouts of our other national, Ms. Noralyn Babadilla, and are sparing no effort to locate and secure her if she is indeed found to be one of the hostages,” ani Marcos.

Tiniyak ng Pangulo sa mamamayang Pilipino sa Israel at sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas na ipag­papatuloy ng gob­yerno ang pagsubaybay sa sitwasyon sa mga lugar na nasalanta ng digmaan at pakikipag-ugnayan sa mga international counterparts upang matiyak ang kanilang kapakanan at kaligtasan.

Show comments