Top Government Senior Officials, Communicators inilabas ng RPMD

MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang kanilang “Boses ng Bayan” na nagpapakita ng mahahalagang papel ng mga opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas.

Ang unang kategorya na “Top Government Senior Officials-Philippines” ay kahusayan sa pamumuno at estratehikong pagpapasya upang matiyak ang mahusay na pagtakbo ng kanilang mga opisina at magkaroon ng masusunod na ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Nanguna rito si Sofonias ‘Ponyong’ Gabonada na may 91% performance score at kasalukuyang naglilingkod bilang Deputy Secretary General sa House of Representatives at Chief of Staff ni Speaker Martin Romualdez. Ang kanyang posisyon ay kahalintulad sa isang Undersecretary.

Sumunod si Neliza Macapayag mula sa Senado (89%), Epi Densing III ng DepEd (87%), Ruth Castelo ng DTI (86%), Hubert Guevara ng Office of the Executive Secretary (84%), Emerald Ridao ng Presidential Communications Office (82%), Zuleika Lopez ng Office of the Vice President (81%), Reinier Yebra ng DOT (80%), Zeno Abenoja ng Finance (78%), Janet Abuel ng DBM (76%), Jonathan Malaya ng National Security Council (75%), at Athalia Liong ng Office of the Special Assistant to the President na may 70%.

Sa pangalawang kategoryang “Top Communicators of Government Agencies-Philippines” nanguna si DBM Usec. Goddes Hope Libiran  (88%), Marge Gutierrez ng DILG (86%), Daphne Oseña-Paez ng PCO (85%), Mico Clavano ng DOJ (84%), Edu Punay ng DSWD (82%), Mike Poa ng DepEd (80%), Cesar Chavez ng DOT (78%), Reynaldo Munsayac ng OVP (77%), Beverly Ho ng DOH (76%), at Jean Fajardo ng PNP (71%).

Show comments