MANILA, Philippines — Naghain na ng leave of absence sa trabaho si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano.
Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, ilang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naghain na ng leave si Soriano.
Ayon pa kay Garafil, personal matters ang dahilan ni Soriano sa kanyang leave of absence.
Magugunita na hindi na si Soriano ang nag-direk sa ikalawang SONA ni Marcos nitong Lunes, Hulyo 25.
Sa halip ang Radio Television Malacañang na lamang ang nag-direk sa SONA.
Hindi naman masabi ni Garafil kung hanggang kailan naka-leave si Soriano.