Food stamp program raratsada sa Hulyo

tock photo of a consumer not wearing face mask in market.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Balak nang simulan ng gobyerno ang pilot run ng food stamp program kontra gutom sa darating na Hulyo.

Ang mga target na benepisyaryo ay makakatanggap ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 na magagamit sa pagbili ng pagkain mula sa DSWD-accredited local retailers.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang implementa-syon ng mungkahing “food stamps” ng Department of Social Welfare and Development Authority (DSWD) ay magiging malaking tulong para sa mga mahihirap na Pilipino. Ang programa ay sa pakikipagtulungan sa Asian Development Bank (ADB).

Nabatid na nagbigay ang ADB ng halos U$3 mil­yon para sa anim na buwang pilot run ng food program.

“One of the things that is in the pipeline, that is being developed, that is going to be of great assistance to our people is a proposal by the DSWD for a food stamp program, which I’m surprised that we have never had, but it is something that we can see that has been effective in other countries,” ani Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang “napakaraming pagkakataon” na i­binigay ng ADB sa Pilipinas habang binibigyang-diin niya na mayroong pakikipagtulungan sa pagitan ng ADB at Civil Service Commission (CSC) sa digitalization ng mga serbisyo at operasyon ng ahensya.

Sinabi ng Pangulo na ang ADB ay naging mahalagang bahagi ng mga plano sa pagpapaunlad ng bansa dahil “sila ay naging matatag at maaasahang katuwang sa pag-unlad ng Pilipinas”.

Nakipagpulong si Marcos kay ADB President Masatsugu Asakawa kasama ang iba pang opisyal noong Lunes kung saan tinalakay nila ang ilan sa mga programang naisakatuparan na sa Pilipinas kasama na ang mga ginagawa.

Samantala, natukoy na ng DSWD ang 1 milyong target na pamilya para sa “Walang Gutom 2027. Kabilang sa listahan ang pinakamahihirap na pamil­yang Pilipino na  karamihan ay nasa mga kanayunan.

“Ito ang mga pamilyang hindi kumikita ng lampas sa P8,000 ayon sa (Philippine Statistics Authority).. Katulad ng ibang food stamp programs, magkakaroon ng work component dito,” ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian.

Hindi muna tutukuyin ang mga partikular na lugar dahil nais ng DSWD na matiyak ang sitwasyon sa mga ito.

Nilinaw ni Gatcha­lian na maaari lamang gamitin ang food stamp sa pagbili ng pagkain kung saan ang kalahati ng basket ay ilalaan para sa mga carbohydrate na pagkain, 30 porsiyento para sa protina, at 20 porsiyento para sa taba.

“Ang kondisyon doon ay, kapag naka-sign up ka, kailangan mong pumunta sa iyong pinakamalapit na Public Employment Service Office (PESO), kumuha ng sertipikasyon na nakikibahagi ka na ngayon—na binibilang bilang bahagi ng workforce kahit anong trabaho ito. ,” dagdag ng kalihim

Show comments