5 Pinoy nawawala sa lumubog na Chinese fishing boat

This photo shows Lu Peng Yuan Yu 028.
North Pacific Fisheries Commission website

MANILA, Philippines —  Limang Pinoy ang umano’y kabilang sa 39 sea­farers na kasama sa lumubog na Chinese fishing boat sa Indian Ocean nitong Martes.

Ito ang kinumpirma ng Chinese embassy at sinabing patuloy silang makikipag-ugnayan sa ahensiya ng gobyerno sa Pilipinas para sa update sa nasabing aksidente.

Sa inisyal na ulat, bukod sa limang Filipino ay sakay din ng lumubog na bangkang pangisda ang 17 Chinese at 17 Indonesian.

Kaagad naman umanong ipinag-utos ni Chinese President Xi Jinping ang all out rescue operation para mailigtas ang 39 crew members.

Lumalabas na dakong alas-3 ng madaling araw, oras sa Beijing nang lumubog ang Lu Peng Yuan Yu 028 sa Indian Ocean.

Nagpadala na ng dalawang commercial vessels  sa lugar ng insidente para tumulong sa paghahanap sa lumubog na barko.

Show comments