Mga bahay sa Maynila ika-8 sa pinaka 'hindi abot-kaya' sa mundo — pag-aaral

In this photo taken on July 22, 2018, a residential area with condominium and commercial development projects is pictured in the Ortigas Pasig district of suburban Manila.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Maraming Pilipino ang nangangarap magkaroon ng kanilang sariling bahay at lupa, pero maraming hirap na hirap dito dahil sa kanilang sahod o sweldo.

Sa pag-aaral ng NetCredit na inilabas ngayong Pebrero 2023, lumalabas na katumbas ng 42.2 taong kita ng karaniwang Pilipino ang average (median) na halaga ng isang bahay sa Maynila.

"We collected over 800,000 property listings for global capital's from realtor sites, then calculated the median home price for 73 major cities, using official government exchange rates," sabi ng NetCredit.

"We then gathered the average monthly net salary from numbeo.com and calculated affordability to ascertain the number of years worked to earn a median home value."

Dahil dito, pasok sa top 10 cities na may "least affordable homes" ang Maynila kumpara sa lahat ng mga kabisera ng iba't ibang bansa sa mundo:

  • Tehran, Iran: 158.4 taon
  • Havana, Cuba: 91.4 taon
  • Monaco, Monaco: 71.9 taon
  • Islamabad, Pakistan: 47.8 taon
  • Cairo, Egypt: 46.4 taon
  • Hanoi, Vietnam: 45.4 taon
  • Santo Domingo, Dominican Republic: 42.4 taon
  • Manila, Philippines: 42.2 taon
  • Phnom Penh, Cambodia: 41 taon
  • Beijing, China: 37.6 taon

Sinasabing nasa US$212,438 ang median home price sa Pilipinas, bagay na katumbas ng P11.72 milyon sa ngayon.

"Saving up for 4.7 years in South Africa will get you a home in Pretoria at the country's average price, making it the most affordable capital in the world," sabi pa ng NetCredit.

"Despite high average costs [of houses] in Washington D.C. [in the United Sates of America], residents can afford the median home price in 9.6 years. Meanwhile, Tehran is the world's least affordable city — with the average property costing 158.4 years of earnings to own."

Inuulat ito ngayong pumapalo lang sa hanggang P570 ang minimum wage sa Metro Manila, ang lugar kung saan ito pinakamataas sa Pilipinas.

Nasasabay pa ito sa pag-abot ng inflation rate sa 8.7%, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa sa loob ng higit 14 taon.

Show comments