P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha

Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito kahapon sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution, sa nasabing halaga ay hindi pa kabilang ang Barangay election na nakatakda naman sa Oktubre 2023.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha).

Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito kahapon sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution, sa nasabing halaga ay hindi pa kabilang ang Barangay election na nakatakda naman sa Oktubre 2023.

“If it’s  going to be held as a separate national election and national plebiscite, the total cost would be P28 billion,“ ayon kay Uy.

Sinabi ni Uy na kung isasabay ang plebisito sa susunod na Barangay o national election, ang gastusin ay aabot lamang sa P231-M.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Kongreso ay maaring magpatawag ng Constitutional convention (Con-con) sa pamamagitan ng 2/3 votes ng mga kongresista. Habang ang Constituent Assembly (Con-ass) ay mangangailangan ng 3/4 votes.

Aniya, ang gastusin ay mababawasan pero mas kontrobersiyal ito dahil nababahala ang mga kritiko na kung aamyendahan ang Saligang Batas ay baka mauwi ito sa pagpapalawig umano ng termino ng mga halal na opisyal sa gobyerno.

“If the cost is for a separate national plebiscite of a constituent assembly, the estimated cost is P13.8 billion”, ani Uy pero kung ang Con-ass ay gaganapin kasabay ng susunod na Barangay election o nasyonal na halalan, nasa P30-M ang magagastos ng gobyerno.

Kahapon sa botong 16-3 ay ganap na naaprubahan ang Committee report ng House Resolution on Both Houses (RBH) na nanawagan ng Con-con.

Show comments