Missing Cessna plane ‘di pa rin matagpuan

MANILA, Philippines — Bigo pa ring matagpuan ang nawawalang Cessna plane matapos itong mag-take off sa Cauyan Domestic Airport sa lalawigan ng Isabela nitong Enero 24.

“Search parties still have not positively identified the possible crash site of the aircraft,” ayon sa Civil Aviation Autho­rity of the Philippines (CAAP).

Dapat magla-lan­ding ang Cessna sa Maconacon pero hindi ito nakarating sa takdang oras.

Anim katao ang lulan ng Cessna kabilang ang pilotong si Captain Eleazar Mark Joven at mga pasahero na sina Tom Josthle Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra at Josefa Perla Espana.

Maging ang tropa ng Army’s 5th Infantry Division (ID) sa Gamu, Isabela ay nag-deploy na rin ng mga sundalo para tumulong sa search operation kung saan sinusuyod ang kagubatan kabilang ang Divilacan, Isabela na posibleng binagsakan ng Cessna plane.

Maging ang maritime search gamit ang mga seacraft at frogmen ng Philippine Coast Guard ay sinuyod na rin ang Divilacan Bay pero nabigong matagpuan ang pinaghahanap na Cessna plane.

Umaasa naman ang mga opisyal na matutukoy ang kinaroroonan ng binagsakan ng eroplano.

Show comments