Ekonomiya ng Pinas, lumago sa 7.6% noong 2022

Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang Philippine Gross Domestic Product (GDP) ng 7.2 percent sa fourth quarter ng 2022, na nagresulta sa 7.6 percent full-year growth noong 2022.

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Malacañang ang mabuti umanong  pangangasiwa sa ekonomiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagresulta sa “7.6 percent full-year growth” noong 2022.

Ayon sa Malacañang, ito ang pinakamataas na pag­lago sa ekonomiya sa loob ng 46 na taon mula nang magtala ang bansa ng 8.8 porsiyentong paglago noong 1976.

Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang Philippine Gross Domestic Product (GDP) ng 7.2 percent sa fourth quarter ng 2022, na nagresulta sa 7.6 percent full-year growth noong 2022.

Sinabi rin ng PSA na kabilang sa mga pangunahing nag-ambag sa paglago ng 4th quarter 2022 ay wholesale at retail trade; pagkukumpuni ng mga sasakyang de-motor at motorsiklo, 8.7 porsiyento; financial and insurance activities, 9.8 porsiyenyo; at manufacturing, 4.2 porsiyento.

Sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya, ang Industry and Services ay nag-post ng mga positibong paglago sa 4th quarter ng 2022 na may 4.8 porsiyento at 9.8 porsiyento, ayon sa PSA.

Ang mga industriya na may pinakamalaking kontribusyon sa taunang paglago ay: wholesale at retail trade; repair ng motor vehicles at  motorcycles, 8.7 percent; Manufacturing, 5.0 percent; at Construction, 12.7 percent.

Sa isang pahayag, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nananatiling matatag ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas habang patuloy na pinaiigting ng gobyerno ang pagsisikap nitong ibalik ang ekonomiya sa high-growth trajectory nito, na lumilikha ng mas marami at mas mahusay na kalidad na trabaho at mapabilis ang pagbabawas ng kahirapan.

 

Show comments