MANILA, Philippines — Naka-perfect attendance ang 12 sa 24 na senador sa first regular session ng 19th Congress.
Base sa rekord ng Senado, ang perfect attendance ay naitala sa lahat ng 39 plenary sessions mula Hulyo 25 hanggang Disyembre 14,2022.
Kabilang sa mga walang pagliban o absent sa sesyon ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate Minority Leader Koko Pimentel, and Senators Bato dela Rosa, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Robin Padilla, at Bong Revilla.
Habang sina Sens. Francis Escudero at Mark Villar naman ang may pinakamataas na bilang ng pagliban sa mga senador na may tig-7 absent.
Paliwanag naman ni Escudero, dalawa sa kanyang absences ay dahil sa local official missions, habang ang anim naman sa pagliban ni Villar ay dahil sa official missions abroad.
Samantalang mayroon namang limang absent si Sen. Alan Peter Cayetano at lima kay Sen. Nancy Binay.
Nakapagtala rin ng apat na absences si Senador Imee Marcos at tatlo sa mga ito ay official missions abroad umano.
Apat din sa absences ni Sen. Francis Tolentino ay official overseas missions.
Mayroon namang isa hanggang dalawang absences ang iba pang senador katulad nina Sonny Angara, Pia Cayetano, Lito Lapid, Grace Poe, Raffy Tulfo, at Cynthia Villar.