P3 taas sa gasolina, P2 sa diesel at kerosene

Batay sa pagtaya ng ilang oil industry players, posibleng umabot ng mula P3 hanggang P3.50 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina sa Martes.
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Bigtime oil price hike Inaasahang tataas muli ang presyo ng ilang produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng ilang oil industry players, posibleng umabot ng mula P3 hanggang P3.50 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina sa Martes.

Samantala, ang pres­yo naman ng diesel ay maaaring madagdagan ng mula P2.20 hanggang P2.70 kada litro.

Ang kerosene ay maaaring magtaas naman ng mula P2.40 hanggang P2.90 kada litro.

Karaniwan nang ini­aanunsiyo ng mga oil companies ang kanilang adjustments sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Lunes, at ipinatutupad naman sa susunod na araw ng Martes.

Show comments