Dagdag na budget sa health programs, naiswak ni Bong Go

Dagdag na budget sa health programs, naiswak ni Bong Go

 

 

MANILA, Philippines — Umaasa si Senator Christopher “Bong” Go na mas lalakas pa ang public health care system sa bansa matapos niyang matagumpay na naisulong ang karagdagang pondo para sa iba’t ibang health initiatives sa 2023, partikular na ang para sa mahihirap na pasyente.

Kaugnay nito, pinuri ni Go si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglagda sa 2023 national budget law.

Nagpasalamat din siya sa mga kapwa mambabatas at sa mga opisyal ng kinauukulang departamento at ahensya na naglaan ng mahabang oras sa proseso ng badyet.

“Ang badyet na ito ay napakahalaga at kritikal dahil unti-unti nating ginagawa ang ating inclusive recovery mula sa CO­VID-19 pandemic,” ani Go.

“Dahil sa mga alokasyon at mandato na ito, nararapat na tiyakin ng lahat na walang Pilipinong maiiwan sa pagbangon natin mula sa pandaigdigang krisis sa kalusugan bilang isang nagkakaisang mamamayan,” dagdag niya.

Kabilang sa mga programang pangkalusugan na matagumpay na naitulak ni Go ay kinabibilangan ng karagdagang pondo para sa tulong medikal para sa mga mahihirap na pasyente; pagtatayo ng mga Super Health Center at mga specialty center; Cancer Assistance Fund; pagkuha ng mga  immunization vaccinators upang palakasin ang programa sa pagbabakuna sa iba pang sakit, lalo na para sa ating mga anak; pagpopondo sa Philippine Health Insurance Corporation para sa pinalawak na libreng dialysis coverage, mental health outpatient coverage, komprehensibong outpatient benefit package kabilang ang libreng medical check-up at iba pang pagpapahusay sa benefit package; at mga programa sa kalusugan ng isip.

Matagumpay din niyang naiapela ang karagdagang alokasyon para sa Health Facilities Enhancement Program para sa pag-upgrade ng iba’t ibang pasilidad ng kalusugan, gayundin ang Public Health Emergency Benefits and Allowances para sa Health Care at Non-Health Care Workers.

Show comments