MANILA, Philippines — Lalo pang dumami ang mga pumanaw sa Luzon, Visayas at Mindanao matapos ang matitinding pag-ulan at pagbaha dulot ng "shear line" na humambalos nitong weekend at Kapaskuhan.
"A total of 13 dead, 6 injured, and 23 missing persons were reported," sabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Martes.
Related Stories
Kabilang sa mga namatay ang mga sumusunod:
- Bicol (13)
- Eastern Visayas (3)
- Zamboanga Peninsula (1)
- Northern Mindanao (7)
Umabot na sa 166,357 katao ang apektado ng mga pag-ulan, bagay na nagmula sa MIMAROPA, Region 5, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao:
- nasa loob ng evacuation centers (45,337)
- nasa labas ng evacuation centers (3,376)
Milyun-milyong pinsala
Tumuntong na sa P59.82 milyong halaga ang napinasala ng mga pag-ulan sa sektor na agrikultura, bagay na nakaapekto sa 1,966 magsasaka at mangingisdang trumatrabaho sa 2,479.6 ektarya.
"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to P14,580,000 was reported in Region 5, Region 10," dagdag pa ng NDRRMC.
Aabot na sa 536 kabahayan ang na-damage ng mga nasabing pagbaha, kung saan 369 ang bahagyang nasira habang 165 naman ang sirang-sira.
Bilang tugon, nakapagbigay naman na ng aabot sa P5.24 milyong halaga ng tulong sa mga nasalanta sa Bicol, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula sa porma ng family food packs, hygiene kits, atbp.
Una nang nagdeklara ng state of calamity si Erick Cañosa, mayor ng Gingoog sa Misamis Oriental sa Northern Mindanao. Dahil dito, agarang magpapatupad ng automatic prize control sa mga batayang pangangailan sa mga pamilihan doon.