MANILA, Philippines — Dahil sa sobrang lamig ng panahon, tinamaan ng sipon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang nasa ikalawang araw ng ASEAN-EU Summit sa Brussels, Belgium.
Dahil dito kaya hindi na nakaharap ang Pangulo sa nakatakda sanang press briefing sa Malacañang Press Corps kahapon umaga, oras sa Manila.
Nabatid na nasa -3 degrees ang temperatura sa Brussels.
Bukod sa sipon ay namaos din si Marcos.
Paliwanag ng Pangulo, malaking pagbabago sa kanyang katawan ang temperatura na mula sa 35 degrees sa Pilipinas ay biglang naging -3 degreees sa Brussels na umano’y isang big jump sa matanda na niyang katawan.