MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon ng Social Security System (SSS) ang aplikasyon para sa calamity assistance ng mga miyembro at pensioners nito na nasalanta ng bagyong Paeng.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino, ang SSS Calamity Assistance Package ay kabibilangan ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro at Three-Month Advance Pension naman para sa SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners.
Ang mga miyembro na pensioners na nakatira sa lugar na isinailalim sa state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), o ng Sangguniang Bayan, Panglungsod, o Panlalawigan ang maaaring makakuha ng financial assistance.
Ang mga ito ay CALABARZON o Region IV-A, Bicol Region, Western Visayas at BARMM.
Sa ilalim ng CLAP, ang qualified SSS members na apektado ni Paeng ay may loan equivalent ng kanilang isang buwang salary credit na hanggang P20,000. Ang calamity loan ay babayaran sa loob ng 2 taon na may 10% annual interest rate.
“Pensioners may avail of the Three-Month Advance Pension wherein SSS pensioners will be given three months advance of their total monthly pension. We want to help our members and pensioners during these difficult times. We hope that the financial aid that we extended to them will be of big help to rebuild their lives,” sabi ni Regino.
Inanunsyo rin ni Regino na ang mga SSS members at pensioners na naapektuhan ng Super Typhoon Karding ay may hanggang January 6, 2023 para maka-avail ng calamity loan at tatlong buwang Advance Pension.