MANILA, Philippines — Patuloy na kumikilos ang bagyong "Obet" pakanluran timogkanluran sa ibabaw ng Philippine Sea habang nagdudulot ng malalakas na hangin sa mga lugar kung saan nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal.
Naobserbahan ang mata ng bagyo 805 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon bandang 4 a.m., ayon sa pagmamatyag ng PAGASA, Huwebes.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Pagkilos: 15 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran timogkanluran
"Tomorrow early morning through Saturday morning: Moderate to heavy with at times intense rains possible over Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, and the northern portion of mainland Cagayan," ayon sa state weather bureau.
"Light to moderate with at times heavy rains possible over Batanes, the northern portion of Ilocos Sur, Abra, Kalinga, and the rest of mainland Cagayan."
Sa pagtawid ng Tropical Depression Obet, maaaring maranasan ang malalakas na hangin (strong breeze hanggang near gale strength) sa mga lugar kung saan nakataas ang TCWS no. 1.
Signal no. 1
- Batanes
- Babuyan Islands
- hilagangsilangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
"Furthermore, the highest possible wind signal that may be hoisted during the passage of OBET is Wind Signal No. 2," patuloy ng PAGASA.
Tinatayang kikilos ang bagyo pakanluran timogkanluran hanggang BIyernes ng tanghali habang bumibilis bagyo pumihit pakanluran o kanluran hilagangkanluran patungong Hilagang Luzon o Luzon Strait.
Maaaring mag-traverse ng Extreme Northern Luzon o hilagang bahagi ng Northern Luzon sa pagitan ng bukas ng hapon o Sabado ng umaga.
"OBET is forecast to gradually intensify and may reach tropical storm category by tomorrow evening or on Saturday early morning (i.e., during its passage over or near the Luzon landmass)," sabi pa ng state meteorologists.
"Further intensification is likely once OBET reaches the West Philippine Sea."
Inaabisuhan pa rin ang lahat ng public at disaster risk reduction and management offices na gumawa ng mga hakbang para protektahan ang buhay at ari-arian ng mga residente.