Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos
MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging batas ang pagpapaliban sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections na isasagawa na sa huling Lunes ng Oktubre ng 2023.
Ito ang nakapaloob sa Republic Act 11935.
Sa ilalim ng naturang batas, ang lahat ng incumbent barangay at SK officials ay mananatiling nanunungkulan hanggang sa mahalal ang kanilang magiging kapalit o di kaya naman ay inalis o nasuspinde sa anumang kadahilanan.
Ang panunungkulan naman ng mahahalal na barangay at SK officials ay magsisimula sa tanghali ng November 30, 2023.
Nakatakda namang maglabas anumang oras ang Commission on Elections ng kanilang ‘adjustment of the calendar’ukol dito.