P588 bilyong ‘shades of grey’ sa national budget, linawin

Ito ang inihayag nitong Sabado ni Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto dahil marami aniya ang ‘unprogrammed fund bloats’ sa actual na panukalang pondo na aabot sa kalahating trilyon o ang tinagurian nitong P588 bilyong ‘shades of grey’ na dapat mai-itemized.

MANILA, Philippines — Dapat umanong linawin ang P588 bilyong ‘shades of grey’ sa panukalang 2023 national budget ng pamahalaan.

Ito ang inihayag nitong Sabado ni Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto dahil marami aniya ang ‘unprogrammed fund bloats’ sa actual na panukalang pondo na aabot sa kalahating trilyon o ang tinagurian nitong P588 bilyong ‘shades of grey’ na dapat mai-itemized.

“The proposed national budget for 2023 is actually P5.856 trillion, or P588 billion bigger than the oft-quoted P5.268 trillion,” ayon kay Recto na sinabing ang spending amount na hinihingi ng Palasyo ay karagdagang kalahating trilyon pa na kaniyang nabusisi sa Unprogrammed Appropriations sa bahagi ng 2023 National Expenditures Program (NEP).

Nitong Biyernes ay sinimulan na ng Kamara ang deliberasyon sa masusing pagbusisi sa P5.268 trilyong 2023 NEP ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“It is more than double the current year’s P251.7 billion unprogrammed fund,” ani Recto na sinabing kulang sa detalye ang P588 bilyon ‘shades of grey’ na dapat linawin ng economic team ng pamahalaan.

Kabilang sa hindi malinaw ang “Support to Foreign Assisted Projects” na nagkakahalaga ng P380.6 billion.

Gayundin ang P149.7 bilyon para sa “Support for Infrastructure Projects and Social Programs.”

Show comments